FLASH FLOOD SA MINDANAO, PUMATAY NG NAPAKARAMING TAO
Sa isang buong taon, Disyembre ang pinakamasayang
buwan para sa buong mundo lalo na sa mga Pilipino, maging mahirap man o
mayaman, matanda man o bata. Subalit paanong magiging maligaya ang sinuman sa
mga nangyari sa mga tao sa Cagayan de Oro at Iligan noong nakaraang biyernes ng
gabi? Oh my God, there were dead bodies
along the streets including children. At maraming katawan din ang itinaboy
sa dagat. Sa mga oras na ito, itinatayang may halos 500 katao ang nasawi sa
nangyaring sakuna. At marami pa ang nawawala na itinatayang umaabot ng 300
katao. Ang nakakalungkot, maraming bangkay ang ‘unclaimed’ pagkatapos ng dalawampu’t apat na oras matapos ang pagbaha,
marahil ay nasawi rin ang buong pamilya ng mga ito.
Sa panonood ko nang balita sa
telebisyon at pagbabasa ng balita sa internet, labis akong nalulunos sa sinapit
ng mga mahal kong kababayan lalo na ang mga bata. Ang mga tao ay nasa lalim ng
kanilang mga pagtulog nang dumating mula sa bundok ang nakamamatay na ‘flash flood’ na itinatayang katumbas ng mahigit sa
isang buwan na pag-ulan. Sa tindi ng buhos ng ulan na dulot ng bagyong ‘Sendong’ sa loob ng 12 oras, nagkaroon ng
matinding pagbaha o ang tinatawag na ‘flash flood’.
Ayon sa isang opisyal ng Civil Defense Office, ang pagkamatay ng
marami sa Mindanao ay sanhi marahil ng hindi pagiging handa ng mga mamamayan duon dahil
sanay sila na hindi tinatamaan o dinaraanan ng bagyo kahit pa sila ay
apat na araw ng binibigyan ng babala ng mga awtoridad na may paparating na bagyo at sila ay dapat na maging handa.
Ang mabilis at matinding 'flash flood' ay malamang na sanhi nang
tinatawag nating ‘climate change’. Nawa
ay maging aral na ito sa ating lahat ang pangyayaring ito upang huwag nating ipagwalang-bahala ang mga
babala ng mga awtoridad. Subali’t kung minsan sadyang may katigasan ang ulo ng
marami sa atin o dili naman kaya ay kulang sa kaalaman. Maaaring may
partisipasyon din dito ang ating pamahalaan at ang mga lokal na opisyal dahil sa hindi nabibigyan ng sapat
na kaalaman ang mga tao lalo na sa epekto ng ‘climate change’ partikular na ang
mga nasa probinsiya.
Gaano man kasakit ang dagok na
ito sa ating bansa at sa buhay ng mga naulila, tayo ay sama-samang manalangin
at umasa na maging sila o tayo man ay makabangon mula sa pagkakalugmok ng dahil sa
trahedyang nangyari sa Mindanao.
"Educate people about the effects of the
changing climate."
Photos: taipeitimes.com/carbon-offsetting.co.uk
No comments:
Post a Comment