Thursday, November 20, 2014

HALAGA


Totoo nga ang kasabihan na pag wala na sa buhay mo ang isang tao dun mo lang nakikita ang kanyang kahalagahan...

Lingid sa kaalaman ng karamihan, matamis at masarap ang naging samahan namin ni Ma'am Laurente... Sabay kaming kumakain sa umaga sa library habang wala pa akong klase... Madalas niya akong binibigyan o binabaunan o dili kaya ay binibilhan ng pagkain.

Naalala ko pa, minsan ay nagalit siya sa utility staff namin dahil hindi daw Ko binilhan ng gamot gayong namimilipit na ako sa sakit na aking nararamdaman.



Noong ako ay mahiwalay sa kanya dahil na assigned ako as grade 2 class adviser, sinasadya pa niya akong puntahan sa room ko kapag mayroon siyang gustong i-unload na dala-dala niya sa kanyang dibdib. Ako naman ay labis na natutuwa dahil sa nakikita kong pagpapahalaga niya sa akin at pagtitiwala.

Lagi niya akong ipinagmamalaki kapag may ipinapakilala siya sa akin na kaibigan o kakilala niya na kadalasan naman ay nahihiya ako dahil sa sobrang papuri niya sa akin.
Minsan may mga panahon na nasasaktan din ako sa mga salita niya pero madali niya itong inihihingi sa akin ng paumanhin. Pagpasensiyahan ko na daw siya dahil siguro may edad na siya. Sabi ko naman; "wala po sa akin yun, di po ako nagtatanim ng galit lalo na sa katulad ninyo dahil alam ko ang pagtingin ninyo sa akin." Tapos ay yayakapin niya ako at lalambingin.


Hanggang sa huling araw niya sa paaralan, ipinadama pa rin niya ang pagiging importante ko sa kanya. Aba eh, i- request ba naman na awitin ko ang paborito niyang awaitin ng Abba, "I Have a Dream." Sa totoo lang, gusto ko nga sana tanggihan dahil saobra akong namamaos dahil sa labis na pagsasalita o pagtuturo sa aking mga estudyante... Subalit sa huling sandali, bago ang kanya birthday celebration/retirement bash, nag- desisyon ako na ituloy na lamang dahil ayokong ma disspoint siya o sumama ang loob sa akin lalo't kami ay maghihiwalay na.

Naisip ko na kahit papaano ay maalala niya ako hindi man niya ako matagalan man bago niya ako makita o malamang na baka hindi na... Na minsan ako ay naging bahagi ng kanyang birthday celebration / retirement bash. At alalm kong di na mabubura sa isip niya yun.


Sa totoo lang, mami miss ko talaga si Ma'am Laurente. Ngayon ko lang naramdaman na sa sulok ng aking puso na totoo palang mahal ko ang isa sa aking naging ate sa paaralan.

Nawa ay lagi kayong gabayan ng ating Panginoong Dios kasama ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay. 


Muli, Maligayang Kaarawan, Ma'am Laurente!

No comments:

Post a Comment