Friday, August 24, 2012

SAMBIT AT PARATANG



Masakit na salita na galing sa kaniyang bibig,
Tila mainit na apoy sa pagkatao ko ang siyang hatid
Mga sulyap niya na animo'y halimaw na nakatitig,
Hindi ko mawari kung ano nga ba ang nais ipabatid.

Walang kuwentang mga paratang na sa aki'y iginiit,
Sadyang di ko maintindihan at matalos nitong isip.
Poot na pilit kong iniibsan na sa sulok ng puso ko'y nakakubli,
Sinisikap mapatawad itong taong mapagpaimbabaw at likas na walang silbi.

Subalit hanggang kailan nga ba titiisin itong samot saring isipin?
Kung alingawngaw nang mga salita  niya na laging sariwa sa pandinig.
Harinawang matapos na itong aking hilahil,
Upang yaring isip at puso'y tuluyan nang mawalan ng ligalig.

  
Image by Quakr.com

No comments:

Post a Comment