Monday, November 29, 2010

AYAW NILA SA AKIN... MAS LALONG AYOKO SA KANILA!


MAY MGA TAONG DALAHIN NG KWENTO, MGA TAONG ONE SIDED... O KAYA MGA TAONG SADYANG ASAR SA KAPWA O MABIGAT ANG LOOB KAHIT WALA GINAGAWANG MASAMA SA KANILA... PWES, MAS HIGIT NA DI KO KAYO KAILANGAN!!! ITO LANG ANG MASASABI KO... "ANG MGA TAONG NANINIWALA SA SABI SABI, WALANG BAIT SA SARILI! SILA YUN MGA TAONG MADALING MATANIMAN NG KWENTO AT WALANG SARILING PAG-IISIP... KUMBAGA, MGA UTO-UTO!"


KAHIT KELAN HINDI KO IPIPILIT ANG AKING SARILI SA MGA TAONG AYAW SA AKIN... KUNG AYAW NILA SA AKIN, WALA AKONG MAGAGAWA. DI KO SILA MAPIPILIT NA AKO AY GUSTUHIN... SILA-SILA NA LAMANG ANG MAGMAHALAN, MAGRESPETUHAN AT MAGTINGINAN NG WALANG KASING-TAMIS... KAYA HUWAG SILANG MAGTATANONG BAKIT NAGING MALAYO ANG LOOB KO SA KANILA DAHIL SILA DIN ANG MAY KAGAGAWAN KUNG BAKIT NAGKAGANON. HINDI IBIG SABIHIN NITO NA MAY GALIT AKO SA KANILA, MAAARING HINANAKIT NGUNIT AYOKONG KAININ AKO NG NEGATIBONG PAKIRAMDAM NA ITO KAYA PALILIPASIN KO LANG DAHIL AYOKONG MAGKASALA SA DIYOS.

No comments:

Post a Comment