Maraming bulaang propeta... Mga pekeng mangangaral ng Salita ng Diyos... At mga taong nag aanyong maka Diyos ngunit wala sa puso o hindi lubos na sila ay may dalisay na kalooban...
Sa ating pangangalat ng Salita ng Diyos at mga aral ng Panginoong Jesucristo sa Bibliya ay dapat muna natin itong isapamuhay bago ito ay ating ipamahagi sa iba... Kailangan ay atin munang i evaluate ang ating mga sarili upang malaman kung ito ba ay totoong ating naisasapamuhay... Nang sa gayon ay maniwala sa atin ang mga tao... lalo na ang mga taong pinapagpakitaan natin ng pagkainis, pag iwas at pagpatay-malisya sa kanila kahit halos sa araw-araw ay atin naman silang nakakasalubong... Sana ay makita sa atin ang liwanag at ito ay makita ng ating kapwa sa atin ng sa gayon ay kasihan nga tayo ng Ama at ibuhos sa atin ang Kanyang pagpapala...
Mahalin natin ang ating kapwa at matuto tayong umunawa sa mga bagay na hindi naman nila ginustong mangyari. At higit sa lahat ay ang matutunan natin ang pagpapatawad kung sila man ay nagkulang o nagkasala sa atin... Humingi man sila ng tawad o tuwirang hindi humingi ng paumanhin sa atin... Huwag natin silang husgahan o iwasan na para bang sila ay may mga nakahahawang sakit o dili naman kaya ay parang hindi natin sila lubos na nakikilala kahit makasalubong natin sila sa daan o maging dito sa FS man na tila ba wala tayong anumang pinagsamahan...
Sayang lamang ang ating pagpapagal kung tayo ay hindi magiging tunay at totoo sa paningin ng ating kapwa lalo na sa mata ng ating Amang Lumikha. Saliksikin muna natin ang ating mga sarili at baka tayo ay nagkakasala sa Diyos nang hindi natin namamalayan dahil sa paggamit o pamamahagi natin ng Kanyang Salita subalit hindi naman natin sinusunod ang kanyang utos o kalooban...
Gabayan nawa tayong lahat ng Diyos sa araw araw ng ating buhay at sa pakikisalamuha sa ating kapwa... sa personal man o maging dito sa FS din! :D

No comments:
Post a Comment