Friday, February 14, 2014

MULA SA PUSO



Sa mga cards na natanggap ko ngayong 'Araw ng mga Puso', lahat ay nagpahiwatig ng pagmamahal, pagpapasalamat at pagkamaalalahanin... And I really, really appreciate those sweet thoughts so much. Subali't may isa akong natanggap na nagpaantig ng aking damdamin... Makapagbigay lamang sa kanyang guro sa pinaka - simpleng paraan ay ipinadama ang kanyang pagpapasalamat at paghingi ng paumanhin bukod sa kanyang taos pusong pagbati...


Madalas man kitang mapagalitan dahil medyo may kakulitan ka sa klase subali't hindi ibig sabihin noon na wala ka sa aking puso at isipan... Mahal ko kayong lahat at iyan ay mula rin sa aking puso at walang halong pagbabalatkayo.

No comments:

Post a Comment