Gaano nga ba kahalaga sa iyo ang pera at materyal na bagay? Sa tingin ko
ito na ang nagiging sentro ng iyong buhay… Hindi na ang pamilya mo, ni ang
iyong pagkatao at higit sa lahat ay ang Dios. Sabi nila, sa mundong ito kapag
may pera ka at kayamanan, ikaw ang bida o sikat. Sandamakmak na kaibigan at
kamag-anak ang kasama mo sa pagtingkilik ng iyong salapi at yaman. Subalit
kapag wala kang yaman o ni kusing, isa ka lamang basura sa kanilang paningin.
Maaring isang patay-gutom, hampaslupa at alila… Gagawin at sasabihin sa iyo
anuman ang kanila maibigan kesehodang masaktan ka dahil balewala naman sa
kanila ang gayon. Subalit kung ikaw ay isang mapera o sabihin man lang natin na
isa kang ‘pasikat’, halos pati pawis mo ay kanilang punasan at nagkukumahog sa pag aasikaso sa iyo. Isang kumpas lang ng iyong
kamay at buka ng iyong bibig, agad silang tatalima.
Ang nakakarimarim pa ng sikmura ay may mga tao na laging bukambibig nila ang pangalan ng Dios... na sila daw ay maka-Dios at may takot sa Dios. Subalit ang lahat nang yaon ay hindi tunay na nanggagaling sa kanilang puso at higit sa lahat ay hindi nila naisasapamuhay ang pagiging tunay na Kristiyano. Mangilabot naman po kayo. Atin lamang pong pakatandaan na hindi sapat ang pananalangin o pagpunta sa mga bahay sambahan o bahay-dalanginan upang masabi na ikaw ay mabuting tao, na iyong tinutupad ang obligasyon ng isang tagasunod ng Dios kundi malaking bahagi rin kung paano mo pakitunguhan o tratuhin ang iyong kapatid o ang iyong kapwa.

Masyado yatang mataas ang tingin mo sa iyong sarili? Hindi kaya masyado ka nang nalulunod dahil sa estado ng iyong pamumuhay? Huwag mong kakalimutan ang na ang iyong mga tinatangkilik na yaman, kabuhayan o materyal man ay hindi mo madadala sa iyong pagpanaw o sa kabilang buhay. Huwag kang mabulagan ng husto nang sa gayon ay makita mo ang iyong kapwa at madama na sila ay tao rin na may damdaming nasasaktan. Hindi lamang ikaw ang tao sa mundong ito na marunong masaktan. Huwag ka naman sanang kabig lamang ng kabig. Ang kailangan natin sa buhay na ito sa ating pakikipagkapwa-tao ay ang respeto anuman ang kanilang kalagayan sa buhay, nakapag-aral man o hindi, mayaman man o mahirap.
Huwag na lang iyong para sa ibang tao… Babalikan ko ang tanong ko kanina, ano nga ba para sa iyo ang higit na mahalaga, ang pamilya mo ba o ang iyong sarili? Ang tunay na pag ibig mo sa Dios kaya o ang pera o mga materyal mong tinatangkilik? Iyong pakatandaan ang sitas na nakasulat sa aklat ng Mateo 6:24 sa salitang ingles; “You can't serve God and Money at the same time...”
Buksan mo ang iyong damdamin at isipan upang
makakita ang iyong mga mata na maaaring bulag sa katotohanan.
No comments:
Post a Comment