Tuesday, October 27, 2009

Dati Kong Mga Kaibigan… Nasaan Na Nga Ba Kayo Ngayon?


People come and go into our lives. We can’t always be with somebody in a lifetime. Some move to other places and some die. Kung minsan nakakalungkot lamang isipin na talagang wala na sila sa ating buhay. Maaaring matanggap pa natin kung sila ay wala na sa mundong ito ngunit ang malaman na andyan lamang sila sa tabi-tabi o kaya naman ay nakikita natin sila araw-araw na naka online sa internet ngunit mukhang tuluyan na nga nila tayong kinalimutan. At ito ang bagay na totoong nakakapagpasakit sa ating mga kalooban. Ngunit para sa akin, masakit man ang mawalan ang isang kaibigan ay ayos pa rin sa akin lalo na kung ayaw na nila sa akin. Dahil ang prinsipyo ko sa aking buhay ay hindi ko isisiksik ang aking sarili sa taong ayaw sa akin. Subalit iyung ikaw ay siraan pa sa ibang tao at malaman mo ang kanilang mga sinasabi at isinaksak sa iyong likod ay higit na masakit dahil sa hindi mo aakalain na masasabi at magagawa nila iyon sa iyo dahil wala naman kayong masamang pinagsamahan sa buong panahon nang inyong pagiging magkaibigan. Dahil ba sa hindi na kayo nagkikita o dili kaya naman ay tapos na ang inyong pagkakaibigan kaya gayon na lamang ang kanilang ginagawa? O dahil kaya wala ka kasing ipagmamalaking yaman na katulad nang mga taong kanilang pinagsusumikapang gawin bilang kanilang mga kaibigan? Totoo nga marahil ang kasabihan sa ingles na “money talks”. Sa ganitong punto ay hindi sila dapat panghinayangan dahil hindi sila totoong kaibigan.



Maaaring ako ay hindi perpektong kaibigan ngunit ang maipagmamalaki ko lamang ako ay isang TUNAY na KAIBIGAN at kung ako lamang ay mamahalin mo, igagalang at bibigyan ng pagpapahalaga ay mamahalin din kita ng lubusan na higit pa sa isang tunay na kapatid. Para sa akin hindi applicable dito ang tinatawag na “unconditional love”.

Naiisip ko lamang na marahil ay sadyang may mga taong mapaghanap ng mga bagay na hindi maibigay sa kanila ng kanilang mga kaibigan katulad ng regalo at iba pang form ng materyal na bagay o kaya naman ay treat sa isang mamahaling restaurant o dili naman kaya ay pagpapakain sa bahay atbp. Sa madaling salita may mga tao na mas kinakaibigan ang mga taong mayayaman, yaong mga malalaki ang bahay, de kotse at nakahiga halos sa kayamanan. Ngunit ito ang aking mga tanong; 
Salapi o kayamanan ba ang basehan ng isang tunay na pagkakaibigan? Ito na ba ang dapat na mamayani sa pagpapahalaga sa isang tao o isang kaibigan? Ito ba ang dahilan kung bakit labas-masok ang mga tao sa ating buhay o sadya lamang na tuluyan na ngang napuputol ang komunikasyon natin sa kanila o baka naman sinadya na nilang putulin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa atin dahil maaaring ayaw na nila sa atin at ang mas hangad nilang maging kaibigan ay yaong mga tao lamang na “magpapasaya” sa kanila at mapupunuan ang kanilang materyal na hangarin o dili naman kaya ay makapagdudulot sa kanila ng physical pleasure?”

Kunsabagay, wala namang permanente sa buhay na ito. Things change and people change. In fairness naman dun sa mga kaibigan nating hindi mukhang pera eh talaga lamang na maaaring some of them had moved away or sometimes we drift apart for reasons such as misunderstandings or we have to face the fact that they simply changed and we just don’t get along with them anymore. But I’m sure there are still few friends that will make the full journey of life with us. Although loss is part of life and it is still saddening us pero isipin na lamang natin na not everyone that we care for will stay in our lives forever lalo na ang isang malapit na kaibigan. Siguro ang pinakamaganda na lamang nating gawin ay try to stay positive and try to appreciate the people in our lives while they are still around. But still hold onto the good memories when they’re no longer here with us. Bear in mind that our time in this world is just limited.


Ngunit ano pa man ang ating sabihin talagang nakakapanghinayang ang lahat ng ating pinagsamahan at mami miss natin ang mga masasaya o malulungkot man na mga araw noong atin pa silang kasa-kasama. Ang maiiwan na lamang sa atin ay ang kanilang alaala na nakaukit na sa ating mga puso o di kaya naman ay mga balita na lamang tungkol sa kanila at ang mas masakit ay mga balita nila o paninira sa ibang tao tungkol sa ating buhay. O pinakamagandang pakinggan marahil ay ang sabihin na lamang natin na kanilang criticism sa atin dahil sa naging maalam nga sila sa ating pamumuhay dahil minsan sila ay naging bahagi ng ating mga buhay, na sadyang magpapasakit sa atin at susugat ng ating mga puso.

Nami-miss ko ang dati kong mga kaibigan... Abot-kamay ko lamang kayo subalit sadyang hindi ko kayo makita...  

Nasaan na nga ba kayo ngayon
?

No comments:

Post a Comment